Home » Archives » September 2008
“You make me believe in magic again. And just when everything is so beautiful, you go and break the spell.”

The Article I Remember the Most

Wednesday, September 24, 2008

This Side Up : Waiting in Vain
Contributed by noringai

 

Alam niyo bang muntik na akong hindi makabalik ng Manila? Noong December ay umuwi ako ng Davao para magbakasyon. January 4 ng gabi iyong flight ko pabalik ng Manila. Nag-announce ang Philippine Airlines na made-delay ang flight kaya naghintay ako sa lounge. Lumipas ang isang oras at wala pa ring announcement na puwede nang mag-board ang pasahero. Nagsimula na akong mainip.

Tiningnan ko iyong malaking screen sa harap ng lounge kung saan nakalagay ang flight status. And I realized that I was making a big mistake because I was waiting at the wrong place. Nasa lounge ako para sa gate no 6 samantalang ang boarding ng flight ko ay nasa gate no 5.

Tumayo ako at tinakbo ang kabilang lounge na kumakabog ang dibdib. Kaya pala hindi ako tinatawag para mag-board, maling lugar pala ang pinaghihintayan ko. Paano kung naiwan na ako ng eroplano? Paano kung hindi na ako makakabalik ng Manila?

Tamang-tama ang pagdating ko sa kabilang lounge dahil kasalukuyang nagbo-board ang mga pasahero. Umabot ako! Mabuti na lang, sobrang delayed ang flight. Mabuti na lang, na-realize ko agad ang pagkakamali ko. Kung tuluyan akong nagpaka-tanga, baka di ako nakasakay. Baka nasa Davao pa rin ako hanggang ngayon…

***

Second Monday ng taon at abala ako sa work nang nang mag-text sa akin si Ram, classmate ko noong high school sa Davao na dito rin nagtatrabaho sa Manila. Nangungulit lang siya dahil birthday niya at wala siyang lakad. Nag-suggest ako na magkita kami sa Glorietta para mag-dinner. Binanggit niya na nandito na sa Manila si Dude, isa pa naming classmate noong high school. Na-excite ako. Best friend kasi ni Dude iyong high school crush ko na 14 years ko nang pinagnanasaan at ini-i-stalk, si Carl. Baka makakuha ako ng mga bagong information tungkol kay Carl.

Tinext ko si Dude para imbitahing mag-dinner. Game daw siyang mag-dinner sa Glorietta. Tinext ko siya at sinet ang time and place ng meeting namin. Tinanong ko rin kung okay lang sa kanya mag-inuman kami after dinner to celebrate Ram’s birthday.

Ang sagot ni Dude: OK. Nandito si Carl. Gusto mo isama ko?

Paulit-ulit kong binasa ang text ni Dude. Totoo ba ito? Or baka ini-istir lang niya ako? Alam niya ang tungkol sa pagnanasa ko sa kaibigan niya. Heck, alam ng buong high school batch iyun! Hindi malayong gusto lang ako i-good time ni Dude kaya niya sinabi iyun. Ano naman ang gagawin ni Carl dito sa Manila ganung kakatanggap niya lang sa S Company?

Last week, lumipat kami ng office sa Ayala. Nasa 38th floor kami. Wala pa kaming blinds kaya kitang-kita ko ang buildings na nasa harap ng office namin. Katapat namin mismo ang S. Sa tuwing nakikita ko ang building nila, at sa tuwing nababasa ko ang malaking signage, napapabuntong hininga ako. Part of me hopes na sana, mapadala si Carl sa Manila for training, tapos, dito lang siya sa tapat ng office namin. Tapos…

Binasa ko uli ang text ni Dude. Paano nga kung nandito si Carl? At makikita ko siya mamayang gabi. Possible naman, di ba?

Tiningnan ko ang suot ko. Potah, mukha akong basura. Galing kasi ako ng Bulacan para sa grand reunion namin at medyo may hang over pa ako pag-gising ko kaya kung ano na lang ang sinuot ko… May mantsa pa nga iyong blouse ko dahil napatakan ng ketchup noong nag-breakfast ako sa Jolly jeep. Kung totoo mang nandito si Carl ngayon, hindi niya ako dapat makita ng ganito.

Bumili kaya ako sa Landmark habang hinihintay sila? Teka… may binili akong damit noong Sabado sa SM, bago ako umuwi ng Bulacan. Tamang-tama, bumili rin ako ng sapatos. At dahil dumiretso ako ng office galing probinsiya, dala ko ngayon iyong damit at sapatos na binili ko noong weekend. Tingnan mo nga naman ang suwerte…

Hindi na ako makapag-trabaho mula noong mag-text si Dude. Pasulyap-sulyap ako sa building ng S. Nandiyan ka na nga ba, Carl? Or niloloko lang nila ako? Siguro, iniisip nila, ang pathetic ko kung umaasa akong makikita nga kita…

Isang oras din kaming naghintay ni Ram sa Glorietta. Noong dumating si Dude, hinahanap niya agad si Carl. Ang galing niyang umarte, huh. Convincing! Aba, at nagkunwari pang may tinatawagan sa phone. Dedma lang ako. Umiiwas akong tingnan si Dude habang nagdi-dial. Alam ko, hinuhuli niya lang ako. Baka kapag nagtama ang mata namin, bigla siyang tatawa ng malakas at sisigaw ng “Victim!” Muntik na akong himatayin noong pag-lingon ko, nakita ko si Carl na nakangiti, naglalakad palapit sa amin. Hindi multo. Hindi hallucination. Nandito nga siya sa Manila. Nandito siya sa Glorietta. Nandito siya… sa harap ko.

***

I have been playing a hundred and one scenes in my mind about a chance meeting with Carl in Manila. Mula siguro college, inimagine ko na ito. Hanggang sa magtrabaho ako, laging laman ng daydream ko na makikita ko si Carl sa Makati o sa Ortigas o sa Malate at gigimik kami hanggang umaga. Tapos, na-imagine ko na rin na doon sa chance meeting na iyun, doon niya mare-realize na puwede pala maging kami. At iyun na ang simula ng happy ending para sa amin.

Akalain mo ba naman na nandito nga siya sa Manila. One week siya dito para sa training. Tapos babalik na siya ng Davao. Tingnan mo nga naman ang suwerte… Buti na lang nag-text si Ram. Buti na lang niyaya ko si Dude. Buti na lang may dala akong extra blouse at sapatos. Buti na lang, andito si Carl. Ano nga ba ang tawag dito? Serendipity? Ito na ba ang simula ng happy ending namin?

Alam mo ba iyong feeling na parang ang bait ng tadhana sa iyo? Iyong kung nananaginip ka, ayaw mo nang magising at kung hindi ka nananaginip, ayaw mo nang matulog? Iyong feeling na hindi ka makapaniwalang nangyayari sa iyo ngayon at nagtatanong ka kung anong kabutihan ang nagawa mo to deserve this kind of luck? Naramdaman ko iyun noong mga oras na iyun. Habang kasama ko si Carl na umiinom ng beer, habang nagbi-biruan kami, habang pinapakinggan ko siya nagkukuwento ng FPJ joke.

I’ve waited so long for this. Kailan nga ba kami huling nagkasama sa lakad? March 1990, sa beach. Umiinom sila ng beer samantalang coke lang ang sa akin. Nagyoyosi sila at noong inalok ako ng barkada niya ay tinawag ko silang yosi kadiri. Ngayon, nagyoyosi na rin ako samantalang siya ay nag-quit na. Sabay kaming tumutungga ng beer habang inaalala at pinagtatawanan ang mga ginagawa namin noong high school.

***

Naalala ko noong nagbabakasyon ako sa Davao, nag-text sa akin iyong flatmate kong si Sandra. Nagkakape daw siya sa Megamall kasama ang mga kapwa niya scriptwriter nang makita niya ang kanyang object of obsession. Na-windang siya. Bakit daw kung kelan nag-give up na siya sa idea na magiging sila, biglang nag-appear iyong lalake. Hindi man diretsahang sinabi ni Sandra, she was insinuating na hindi coincidence ang nangyari, na destiny was trying to tell her something. Baka hindi siya dapat mawalan ng pag-asa dahil gumagawa na ng paraan ang tadhana para magkita at magkalapit sila.

Sumagot ako: We believe in destiny because we want to hope that someday, Fate will give us what we wish for.

Ilang araw bago ko makita si Carl, sabi ko, suko na ako. Ang tagal ko nang naghihintay eh, wala pa ring nangyayari. 14 years na ang sinayang ko, tama na iyun. I have a lifetime ahead of me. Pero bakit ganoon? Kung kailan bibitiwan ko na sana iyong saranggola at pakawalan iyong paniniwalang magiging kami ni Carl eventually, kung kailan handa na akong mag-move on, biglang mangyayari ito. Pinaglalaruan ba ako ng tadhana? Bakit kung kailan almost give up na ako, makikita ko siya unexpectedly? Coincidence nga lang ba ang lahat or may dahilan? May patutunguhan ba? Dapat ba akong umasa?

Binalik sa akin ni Sandra ang tinext ko sa kanya noong December.

Kaya nga lang ba ako naniniwala sa destiny, na ang lahat ng ito, part ng isang master plan, dahil umaasa ako na someday, matutupad din ang hinahangad ko?

It’s been three (fourteen) years since I’m knocking on your door
And I still can knock some more
Ooh, boy, ooh, boy, Is it feasible, I wanna know now
For I to knock some more…

Okay lang naman sa akin ang maghintay eh. Kahit 14 years more pa. Basta sigurado lang ako na darating iyong hinihintay ko, basta siguradong nasa tamang lugar ako. Sana malaman ko agad bago maging huli ang lahat, bago ako tuluyang maiwan ng eroplano…

I don’t wanna wait in vain for your love
I don’t wanna wait in vain for your love…

=========

###############
Tunay na mga tao at pangyayari, hindi tunay na pangalan…

 

Posted by cerise at 21:23:00 | permalink | Add comment

Oozing Creativity

Tuesday, September 23, 2008
A thousand notes on fire
Keep the scarlet flickers fly
His voice so sharp
Like forked tounges
inviting
   tempting
       burning
Words charred on wood
Lies swirling around the air
Filled with Smoke
   erratic
      erroneous
         erotic

     

Posted by cerise at 18:30:00 | permalink | Add comment

Pretensions

Monday, September 15, 2008

 

    When I was a kid, I hated pretending to smile to other people. Say hello, good morning, have a nice day like I mean it. Sure I was a brat and nonetheless spoiled. I hated concealing my emotions just so I would look polite towards other people. I didn’t understand my dad who kept a smiling face in front of everyone despite the seething anger, frustration or irritation he showed to us. What a fake, I kept telling myself. 

     Even as a child, I was already too idealistic. Why do you have to lie, to fake and to hide emotions when it would be better to let other people know? What’s so wrong with telling the truth?

     I’m taking Corporate Communications right now and it should teach us how to act, to speak and to think like we’re in the business of Public Relations. I thought to myself that wasn’t PR a bunch of flowery words and misleading statements? Perhaps I was wrong. I remember my prof telling us that you can never sound sincere, you can never fight with conviction if you don’t believe in yourself, in your job and your company. Guess she’s right.

     I also learned that I will have a hard time if I’ll venture in the field of PR. I realized that I don’t easily believe in things, I don’t even trust my own judgement at times. It’s so hard for me not to show the truth. Sure I can conceal it with a bunch of lies, or even silence but I can never be too sure of concealing my feelings about something. It’s the only thing that’s hard to control. 

     There were times when I felt comfortable weasling my way out of sticky situations. Pretending to be numb, careless, unsympathetic and apathetic. I can do that to cover up my nervousness, anger, confusion, frustration, excitement, and grievances. I wanted to keep every thing inside so I won’t lose my composure, my poise, my stand.

     Recently, my patience was on the verge of dissipating into thin air. I came back to my five year old stance on pretensions. Hindi ako plastic. And I couldn’t tolerate people who treat me so. If ever I don’t feel comfortable I’m not going to pretend that I enjoy your company at the moment. I just want a breather. I needed space to just let it all go, flush all those nasty feelings out of my system. And it takes time.

    On the other side of things, some things limit me from opening up my mouth and just throwing a sarcastic comment. I was so frustrated at that time that I really wanted to answer back and say all the things that I know to disprove and discredit every thing that will come out of her mouth. Sure, I’ll certainly cause a pang, or perhaps tore her heart out with the things I can say. But I didn’t. I held back. I backed off. I was the one who turned her back. I was the one who dismissed the argument. I was the one who gave up and let her win. It would be pointless anyway. None of the things I say will change her for the better. It will only cause fractures and rift relationships apart.

     It’s hard to keep all those things in me. It’s hard to restrain myself from telling the truth, letting all the ugly truth out. It’s so hard to pretend how I should feel and act. Now I realized that I will never be a good actor. My Acting class is my anger management class after all. Just the let the anger out. 

     It’s pitying that I have to resort into acting like so. As if I had the worst attitude ever. Being a reformer, I wanted to change, to correct things but being a realist restricts me because I know that I can’t do that. It’s frustrating enough that I don’t know what to do to help. Maybe it would all be better to just pretend that I don’t care. Retort to another individualistic and selfish shell. 

Posted by cerise at 2:23:00 | permalink | Add comment

This is how I feel. Please don’t talk to me.

Friday, September 5, 2008

 

I’m excited for the interblock. :)  

Posted by cerise at 14:06:00 | permalink | Add comment