Home » Archives » 01. January 2006
“You make me believe in magic again. And just when everything is so beautiful, you go and break the spell.”

Buntong Hininga

Sunday, January 1, 2006

 

Eto nanaman ako, nakatitig sa screen, tila may importantend sasabihin. Naguguluhan na kasi ako. Bakit sa tuwing maalala kita, at maiisipan kong sulatan ka… nawawala lahat ng mga salita na gusto kong sabihin. Parang nagtatago sila tuwing handa na kong magsulat.

 

Sabi na eh. Dapat kasi nanliligaw ka pa lang, napakilala na kita. Pero hindi, natakot ako sa maaring sabihin ng mga magulang ko. Alam mo namang ayokong pinag sasabihan ako. Alam mo rin na stubborn ako pagdating sa mga bagay na sa tingin ng mga matatanda, sila lang ang tama. Gusto kita, kaya gusto ko, gusto ka rin nila.

 

 

Dun sa meet the parents part, ehh.. uhmm… inatake ako ng karuwagan.
 
ganito kasi… ang kasunduan namin ni M eh punta ako sa xmas party ng family nya.. tapos spend sya ng xmas dito sa bulacan…
 
alam nyo na ibig sabihin nun na kailangan ko syang ipakilala sa parents ko. ngaun, dec 22 na hindi pa rin ako nakakapag paalam na papupuntahin ko si boyfriend sa’min… tapos nung night nun, nag chicken out ako.. sabi ko hindi ako makakapunta dun sa xmas party ng family nya (dec 23)… tutal hindi ko rin naman sya kayang papuntahin sa’min.
 
Eh un. Ang hirap kasi. Nung una nga kilig kilig pa ko… tapos nung papalapit na… ayan… natakot na ko… ewan ko ba kung anong problema ko…

  -Email, an explanation 

 

 

Ano nga ba ang dahilan? Bakit nga ba ako naduwag at umatras sa usapan natin? Kahit na sa harap ng mga pinaka malapit kong kaibigan, di ko magawang sabihin kung ano ang dahilan.

Siguro, kahit na hindi ko tuluyang maipaliwanag kung bakit ko hindi tinuloy ang napagusapan natin ay hindi dahil lang sa takot ako sa mangyayari.  Takot ako na gawin ang tama tapos aayawan ka rin naman pala nila.

Intindihin mo sana na may mga bagay na hindi ko pa nareresolve sa sarili ko. Na may mga takot akong kailangan kong ma overcome mag isa. Na may mga sarili akong laban na kailangang harapin.

At nagpapasalamat ako na ikaw yung nagiging inspirasyon ko para makamit ko ang mga mithiing ito. Sapat na, na alam kong hindi mo ko iiwan. Na mananatili ka lang sa tabi ko, kahit walang imik, na wala kung anu mang espesyal na ginagawa. 

 

Sana lang, wag mong gamiting excuse ang pagiging insecure mo sa sarili mo. Dahil wala namang mali sa’yo o kung anu mang dapat ikahiya. Hindi un sa hindi ka worth ipakilala eh. Natatakot din ako para sa’yo. Takot ako sa sasabihin nila. Ayokong masaktan ka ng mga taong pinakamalapit sa’kin. Ito sana yung gusto kong sabihin sa’yo.

 

Sana lang, makinig ka naman sa sasabihin ko. 

Posted by cerise at 3:37:00 | permalink | Add comment